May iba pang mga tanyag na Pilipino sa sining. Si Fernando Amorsolo ang isa sa kanila. Mahilig siyang gumuhit ng larawan noong bata pa siya na ginagamit lamang ang lapis at papel. Karamihan sa mga iginuhit niyang larawan ay nagpapakita ng mga pangyayari sa kasaysayan ng bansa, mga tanawin, at larawan ng mga tao. Ipinahayag siyang kauna-unahang National Artist o Pambansang Alagad ng Sining.
Tinaguriang isa sa magagaling na eskultor ng bansa si Guillermo Tolentino. Kilala ang mga ginawa niyang sagisag ng Republika ng Pilipinas tulad ng monumento ni Andres Bonifacio sa Grace Park, Kalookan, ang Oblation sa Pamantasan ng Pilipinas, at ang estatwa ni Bonifacio sa Liwasang Bonifacio.
Si Tony Velasquez, (1910-1997) ang Nagtatag ng Industriya ng Komiks sa Pilipinas.
Noong 1923, isinilang ang Tagalog magasin na Liwayway. Sa simula ay hindi pa ito nagtataglay ng mga serye ng komiks, ngunit pagdating ng 1929, inilathala kasama ng magasin ang "Album ng Mga Kabalbalan ni Kenkoy" bilang isang filler sa entertainment section nito. Ang karakter na si Kenkoy ang bida sa seryeng ito, isang nakatutuwang batang Pilipino na naging representasyon ng mga kabataang may kolonyal na kaisipan noong 1930s.
Noong 1946, lumabas ang unang regular na nailalathalang magasin ng komiks, ang Halakhak Komiks. Tumagal lamang ang Halakhak ng sampung edisyon dahil sa kakulangan ng maayos na distribusyon. Hindi tuluyang namatay ang industriya ng komiks dahil noong 1947, lumabas ang Pilipino Komiks, sa ilalim ng pamamahala ni Tony Velasquez. Ito ay nagbukas ng daan para sa iba pang magasin ng komiks na mailathala.
Sa kasagsagan ng kanyang karera, humigit kumulang na 300 mga tauhang kartun ang kanyang nilikha na naging katawagan na sa bawat tahanan ng mga Pilipino, tulad ng Kenkoy, Tsikiting Gubat, Talakitok, Talimusak, and Ponyang Halobaybay.

§ Ama ng Sining ng Pagpinta (Father of Filipino Painting)
Ipinanganak noong 1796 sa Tondo, Manynila, si Damian Domingo ay ang unahang Pilipino na nagpinta ng kaniyang sariling mukha, ang kauna-unahang larawan ng isang tao na siya mismo ang gumuhit o self-potrait. Siya rin ang pinakaunang painter na dalubhasa sa sekular na pagpipinta o secular painting. Taglay ang pagkakaroon ng photographic eye, si Domingo ay nagpakita din ng kahusayan sa miniature painting. Dahil sa kaniyang pambihirang talento, binansagan siyang, "The First Great Filipino Painter." Si Domingo din ang nagtatag ng Acedemia de Dibujo y Pintura, ang pinaka-unang paaralan sa Pilipinas para sa mahilig gumuhit.