Ang website na ito ay naglalayon na maipaalam at maipakita sa buong mundo ang mga mahuhusay at mga kakaibang tao sa sining at panitikan sa bansang Pilipinas. Sila ang mga Pilipinong naging tanyag sa buong mundo sa iba't ibang larangan. Tunay nga na naiiba ang Pilipinas!
May malaking kahalagahan ang sining at kultura sa buhay ng bawat Pilipino. Kinagigiliwan nilang umawit, sumayaw, tumugtog, sumulat, at gumuhit. Dahil dito, marami silang mga bantayog na mang-aawit, manunulat, manunugtog, kompositor, at pintor.